Fam J-bits · Johan · Joshua · Nanay Chronicles · Parent's Corner

More of you @5 and @1

Dear bibis, taking notes for more more kwento when you are older ❤️💓😘

Morning routine: Joshua unli dede until magising Kuya Johan. Magkukulitan sa bed. Hug and kiss ni kuya, guatong gusto nyo magkadikitan tayo.

Si Kuya Johan naka diaper pa din. Pila pila ang diaper sa morning pagbihis from pajamas.

Since afternoon class si Kuya Johan, unli olay kayo sa umaga. Minsan gagawa din ng homework si Kuya habang naglalaro si Joshua.

Favorite ni Kuya Johan mag power player. Unli takbo, unli energy 😊 si Joshua naman unli kulit 🤣

Nagsisimula na si Joshua magsabi ng mga salita:

Ha???, Saba (sabay), kama (kamay), nana (nanay), dede, dadi, sema ko (sama ako), cup, at at (eat), coyoy (color), ka-ka (kuya), bird, cat, car, bus

Tuwing hapon, naglalakad tayong 3 sa baba, habang nasa stroller si Joshua. Nakikipag unahan pa si Kuya Johan. Palagi din tayo pick up ng parcel kay ate Perry at ate Mary Ann sa blue tent (Shopee, Lazada, Zalora, etc).

Si Joshua palaging gusto suot qng cap nya na blue kapag lalabas/bababa sa labas.

Naka-mask pa din tayo dahil sa pandemic.

Favorite merienda ang hawaiian pizza ng kapitbahay. Inoorder ni nanay sa chat, tapos idedeliver sa unit natin. Babayaran sa Gcash 😅 ai Kuya Johan, ang kinakain lang e crust sa gilid. Si Joshia, kinakain lahat. May sign language sya pag gusto gumain, tinuturo nya ang bibig nya 😊

Ang kulit nyong 2! Lagi kayo naghahabulan. Buti na lang may mat na ang buong sala at corridor! Lagi ko sinasabi mahuhulog heart ko, kasi semento ang floor at wall. Ayoko masaktan mga bebe ko.

Favorite nyo din si Alexa. Laging nagpapatugtog tapos sasayaw kayo. O kaya running man si Kuya Johan. Lagi nyo din kinakausap si Alexa 😅

Si Joshua sa carrier lang natutulog kapag si ate Len ang kasama sa nap sa hapon. Nakakatulog naman sa bed pero kapag nag dede lang kay nanay. Konying galaw ni nanay, gising agad 😱😨

Si Kuya Johan nung baby pa, sa stroller naman natutulog. Madaling latulugin, ikot ikot lang sa corridor ng Flair, makakatulog na.

Daddy's Corner · Fam J-bits

Noong kayo ay lima at isang taon pa lang…

Tuwing gabi inaayos ko ang kwarto natin bago kayo pumasok, siguraduhin na malinis ang paa bago tumapak sa kama. Minsan kailangan mag vacuum gamit para maalis yung makakati sa pagtulog. Mahirap kayang matulog ng makati sa likod.

Bubuhatin ko ang isang queen size bed para magkasya tayong apat. Kinailangan talagang magdalawa ng queen size bed kasi hindi na kami kasya mula nung dumating si Joshua. Magigising si Joshua pag gumalaw si Kuya Johan.

Makikita mo sa salamin ng cabinet ang mga sticker na sinimulan dikitan ni Johan at tinutuloy ngayon ni Joshua. May mga guhit din sa pader na tanda ng unang pagsusulat ninyo.

Joshua

May bakod kayo nila Nanay habang naka latch ikaw. Bumabango at gumagapang ka pa tuwing magigising ng alanganin. Hinahanap mo si Nanay.

Pilit mong aabutin ang door knob para subukan buksan ang pinto at makalabas. Kapag nakalabas na, huwag mong pagsasaraduhan at siguradong iiyakan ka ninya.

Kuya Johan

Si Johan na sisiksikin ka para makatulog. Mahilig ka pang mag pretend play bago matulog. Hindi mawawalang ang bed time stories natin hanggang sa ikaw na ang nagbabasa. Namangha kami sa husay mo na sa pagbabasa ng Ingles.

Hindi rin mawawala ang ingay at talunan ninyong dalawa bago matulog.

Ayaw mong magpaiwan kahit magtotoothbrush lang sa toilet na malapit sa bedroom o kaya naman huhugasan ng pwet si Joshua.

Kinder ka na. Masaya ako tuwing hinatid at sinusundo sa prep camp mula ng magbalik face to face class na kayo. May McDo moment pa tayo kasing coding si Mobi.

Tuwing hinahatid ka, lalo pag Lunes o galing bakasyon, nandyan ang kaba sa dibdib mo sa pagpasok sa prep camp. Namimiss mo kasi ang playtime ninyo ni Joshua.

Tuwing sinusundo ka, iba’t ibang kwento ang dala mo pauwi. Kwento ng absent sa inyong klase.

Sadyang kay daming ganap sa buhay namin na masayang balikan balang araw.

Devo · Faith · God's Word

Miracles: Jesus Walks On The Water

That evening Jesus’ disciples went down to the shore to wait for him. But as darkness fell and Jesus still hadn’t come back, they got into the boat and headed across the lake toward Capernaum.

Soon a gale swept down upon them, and the sea grew very rough. They had rowed three or four miles when suddenly they saw Jesus walking on the water toward the boat.

They were terrified, but he called out to them, “Don’t be afraid. I am here!”

Then they were eager to let him in the boat, and immediately they arrived at their destination! (Be willing to welcome Jesus in my life, get him onboard. God will redeem even the lost time, it’not too late. Include Jesus in my plans and decisions.)

John 6:16‭-‬21 NLT
https://bible.com/bible/116/jhn.6.16-21.NLT


Fear reacts, but FAITH responds.