Tuwing gabi inaayos ko ang kwarto natin bago kayo pumasok, siguraduhin na malinis ang paa bago tumapak sa kama. Minsan kailangan mag vacuum gamit para maalis yung makakati sa pagtulog. Mahirap kayang matulog ng makati sa likod.
Bubuhatin ko ang isang queen size bed para magkasya tayong apat. Kinailangan talagang magdalawa ng queen size bed kasi hindi na kami kasya mula nung dumating si Joshua. Magigising si Joshua pag gumalaw si Kuya Johan.
Makikita mo sa salamin ng cabinet ang mga sticker na sinimulan dikitan ni Johan at tinutuloy ngayon ni Joshua. May mga guhit din sa pader na tanda ng unang pagsusulat ninyo.
Joshua
May bakod kayo nila Nanay habang naka latch ikaw. Bumabango at gumagapang ka pa tuwing magigising ng alanganin. Hinahanap mo si Nanay.
Pilit mong aabutin ang door knob para subukan buksan ang pinto at makalabas. Kapag nakalabas na, huwag mong pagsasaraduhan at siguradong iiyakan ka ninya.
Kuya Johan
Si Johan na sisiksikin ka para makatulog. Mahilig ka pang mag pretend play bago matulog. Hindi mawawalang ang bed time stories natin hanggang sa ikaw na ang nagbabasa. Namangha kami sa husay mo na sa pagbabasa ng Ingles.
Hindi rin mawawala ang ingay at talunan ninyong dalawa bago matulog.
Ayaw mong magpaiwan kahit magtotoothbrush lang sa toilet na malapit sa bedroom o kaya naman huhugasan ng pwet si Joshua.
Kinder ka na. Masaya ako tuwing hinatid at sinusundo sa prep camp mula ng magbalik face to face class na kayo. May McDo moment pa tayo kasing coding si Mobi.
Tuwing hinahatid ka, lalo pag Lunes o galing bakasyon, nandyan ang kaba sa dibdib mo sa pagpasok sa prep camp. Namimiss mo kasi ang playtime ninyo ni Joshua.
Tuwing sinusundo ka, iba’t ibang kwento ang dala mo pauwi. Kwento ng absent sa inyong klase.
Sadyang kay daming ganap sa buhay namin na masayang balikan balang araw.